bangonpinoy.org
Bangon Pinoy

Bakit Bangonpinoy

     Posted on September 8th, 2011 by amjaphil

Sa takbo ng kasalukuyang panahon sa Pilipinas, wala ng pinaka-positibong salita na maaari pang marinig, kundi ang hikayatin ang mga Pilipino upang bumangon sa kinasasadlakang kundisyon.

 

 

Bangonpinoy – hindi limitado sa mga Pilipino na nasa Pilipinas, kundi pati na rin sa mga Pilipino na nakikipagsapalaran sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

Bangonpinoy – handog para sa Pilipinas upang maipakita sa lahat ang kagandahan ng ating lupain at ang mga magagandang kultura ng ating bayan.

 

Bangonpinoy – hamon sa mga Pilipino na ipakita sa buong mundo ang iba’t-ibang talento lalo na sa pagsusulat at sa pagpapahayag ng ating damdamin para sa bayan at para sa ating kapwa.

 

Bangonpinoy – ipagbuklod ang watak-watak na paniniwala ng bawat mamayan ng Pilipinas at hikayatin ang bawat Pilipino na makisali at magbahagi ng kanilang kaalaman para sa ikauunlad ng bayan.

 

Bangonpinoy – “PARA SA PILIPINAS.  PARA SA PILIPINO”

 

NASAAN NA ANG LARAWAN NI LOLO? (The other version) by: Jambalaya

     Posted on September 8th, 2011 by amjaphil

Matamang pinagmasdan ni Lolo ang kanyang mga kagamitan at nangingilid ang kanyang luha habang ginugunita ang mga bagay na nakakapagpaalala sa kanyang kabataan. “Andyan na po ang maghahatid sa atin sa home for the aged. Sabihin niyo na po sa akin kung ano pa ang gusto niyong dalhin at ako na ang magdadala”, sambit ng isang espesyalistang duktor na magdadala sa kanya sa tahanan na kung saan niya gugugulin ang natitirang oras ng kanyang buhay.Wala akong ibang dadalhin, maliban sa larawang ito… dahil nandito na sa larawang ito ang lahat ng kakailanganin ko.. sagot ni Lolo. Dahil sa pagmamadali ay hindi pinansin ng duktor ang sinabing iyon ni Lolo, bagkus ay agad nagmamadali nitong isinakay ang mga damit ni Lolo sa loob ng van.Anim na oras ang biyahe papuntang home for the aged at habang bumibyahe ay hindi naiwasan ng duktor na itanong kay Lolo kung sino ang mga nasa larawan. Bakit ‘yan lang ang dala niyo?, kaswal na tanong ng duktor. “Alam mo iho, itong larawan na ito ang nais kong iharap sa Poong Maylikha kapag dumating na ang takdang-oras ng pagharap ko sa kanya.. Nais ko sana na sa aking pagpanaw ay ilagay niyo ito sa ibabaw ng aking dibdib, nang sa gayun ay hindi ko ito makalimutan kahit ako ay ulyanin na”, panimulang sagot ni Lolo. Sa paputol putol na boses at ramdam ng Duktor ang pagdaloy ng luha ni Lolo kaya hinayaan niya lang dumaloy ang mga ito sa kanyang likuran…(HUWAG KALIMUTAN ANG PAGDALOY NG LUHA NI LOLO)Ito ang tatay at nanay ko… turo ni Lolo sa dalawang matanda na nasa larawan. Sinikap nila akong itaguyod at pag-aralin upang marating ko ang tagumpay sa buhay,…. huminga ng malalim si Lolo at matapos magpunas ng luha ay ipinagpatuloy ang pagkukuwento.. Sinuklian ko ng pagmamahal ang tagumpay na nakamit ko dahil sa alam kong hindi biro ang sakripisyong  dinaanan nila upang marating ko ang pedestal na kinatatayuan ko. Dahil doon, inalagaan ko sila at pinagsilbihan hanggang sa huling hibla ng kanilang hininga… garalgal na sabi ni Lolo.Ito ang pinakamamahal kong asawa.. lumuluhang turo ni lolo sa babaeng nakayapos sa kanya sa larawan. Kung hindi sana siya kinuha agad ng tadhana, siya sana ang makakasama ko sa aking pagpalaot sa dako pa roon.. Mas masaya sana naming haharapin ang nalalabing oras ng aking buhay. Ito… ito ang kawawa kong mga anak…. impit na iyak ni Lolo habang hinahaplos ang mukha ng dalawang babae na nasa larawan.… sana napatawad na nila ako… pinilit kong sagipin sila.. pinilit ko silang balikan…. subalit napakalakas ng unos…. di ko na sila nakita…. hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang pagtawag nila sa aking pangalan at humihingi ng tulong…. sa pagtulog ko ay tinatanong nila ako kung bakit?.. bakit di ko sila sinagip….. sabi ko, “mga anak…. patawarin niyo ako…..” sana, napatawad na nila ako..  Alam ng diyos na hinanap ko sila…. But.. they were no longer there! and the wind, the wind blows so hard and so high…. so high that I could almost touch the sky…. thank you… thank god for you, the wind beneath my wings…. hinihikang turan ni Lolo.Napamulagat ang kanina pang umiiyak na duktor at agad na tiningnan ang larawang yakap-yakap ni Lolo at nagimbal siya sa kanyang natuklasan. Susmaryosep!  LARAWAN pala ng SIMPSONS FAMILY ang hawak hawak ng lakas tamang si Lolo? Watdapak? Naisip na lang ng duktor at naisip niya rin ang Holy shit at holy cow, kaso di niya na nasambit kasi wala namang bibig ang isip niya. Embalsamuhin ko kayang buhay to?, dagdag isip niya pa.At ang isa pang pinakamalaking pakyu sa kwentong ito, hindi pala luha ang dumadaloy sa likuran ng duktor, ito pala ay ihi ng nag-uulyaning si lolo.